January 03, 2007

Merienda time...

Sa mga simula pa lang ng pasukan, lagi kong pinapaunawa sa mga klase ko na tutulungan ko silang pumasa sa subject sa loob lamang ng semestre. Kapag tapos na ang sem at magkakaroon sila ng problema sa aking subject, tipong nabigay ko na ang marka nila, wala na akong magagawa. Dagdag ko pa, ayoko sa mga estudyanteng pupunta sa bahay at saka magmamakaawa na ipasa lang sila. Bad trip kaya ‘yon. Todo effort ang ibang estudyante maipasa lang ang subject, tapos eto ang ilan na halos hindi familiar ang mga mukha, iiyak lang ng bato at dugo sa harap mo eh makakapasa na!

Sabi ko pa, “Kapag bagsak kayo at pupunta kayo sa bahay upang magmakaawang ipasa, kahabaang painumin ko kayo ng tubig o juice, o pamiryendahin. Pero, bagsak pa rin kayo.”

***

Noong unang sem ng pagtuturo ko, pauwi na ako nang mapadaan ako sa ilang estudyanteng hawak ko noon. Kung pwede raw ba silang sumama sa akin pauwi. Dahilan sa wala naman akong kasamang magtatanghalian sa bahay, at malapit lang naman kami sa eskwelahan, isinama ko na ang mga estudyante ko.

Pangunahing dahilan ko noon kung bakit ko sila isinama ay upang makilala ko ang aking mga estudyante. Alam kong wala pang isang taon akong nakaka-graduate mula kolehiyo noon para sabihing limot ko ang damdamin ng isang estudyante, pero alam kong magkaiba kami ng mga kalagayan at gusto kong makasama rin sila sa labas ng apat na sulok ng silid-aralan.

Sa bahay, nagsaing at nagluto ako ng ulam. Nang luto na ang lahat, niyaya ko na ang aking mga estudyanteng magtanghalian. Tatlo o apat yata sila. Kumakain kami at pinakikinggan ko lang ang kanilang usapan.

***

Nito lamang bago mag-Christmas vacation, nagyaya ang isa kong estudyante sa kanilang bahay. Sa madaling-sabi, ako at isa pang titser nila na ka-fakulti ko, kasama ang may anim hanggang walong kaklase n’ya, ang sumugod sa kanilang bahay.

Sumakay kami ng traysikel mula eskwelahan pa-bayan, at jip mula bayan pa-kanila. Nasa 20 minuto ang kabuuan ng byahe. Pagkababa, may sampung minuto kaming naglakad mula highway papasok sa kabukiran.

Sa totoo lang, masaya akong nagkaroon ng pagkakataong makapaglakad muli sa mga pilapil, mapagitna sa mga itik at bibe, mausukan mula sa tungko’t de-gatong na lutuan, makalanghap ng sariwang hangin, makainom ng sabaw ng buko, at makakain ng native na manok.

***

Isang umagang-umaga, may isang grupo ng mga estudyante kong nagsadya sa lugar namin. Ipinagtanong nila sa mga taga-rito sa kalye namin ang aming bahay. Isa pala sa napagtanungan nila ang lola ko. Nagtaka pa pala ang lola ko at nagtanong, “May sakit ba at dadalawin n’yo?”

In fairness, hindi nga naman kinakailangang may sakit para lang dalawin ang isang tao. Pero dahil wala pang alas-7 ng umaga nang dumaan sila, mommy ko lang ang nakausap nila. Niyaya silang magkape. Pero dahil tulog pa ang kanilang sadya, minabuti na rin nilang umalis. May dala pa naman daw silang pandesal noon.

***

Sa totoo lang, sa tuwing may darating na estudyante rito sa bahay--sa hindi ko na mabilang na mga pagkakataon--at sa tuwing yayayain naman ako patungo sa kanila, hindi ko maiwasang magdalawang isip. Titser ako. Tama bang buksan ko nang lubusan ang lahat sa akin. Minsan, hindi ko alam kung nakakulong pa rin ba ako sa bulag na kahon ng tradisyon, o labis lang na nagiging radikal sa humanistikong aking pinaniniwalaan.

Isa lang ang maliwanag. Hindi madali ang maging isang titser. Maraming pagkakataong pilit mo mang bigyan ng sistema ang mga bagay-bagay, pilit pa rin itong babasagin ng mga hindi inaasahang sitwasyon. Gayunman, idinedepende ko na lang ang lahat sa layon at tawag ng mga pagkakataon. Sa puntong ito, napagtanto (nakanang! napagtanto?! dugo na ilong ko sa pagta-Tagalog!) kong ang pagiging titser ay hindi natatapos sa loob ng klasrum, sa loob ng fakulti rum, sa loob ng visiniti ng iskul, kundi ito ay dadalhin ng isang guro hanggang sa labas ng komunidad, loob ng kanyang tahanan, at saanman. Tunay nga, pinasok ko ang isang profesyong walang daan palabas.

8 Comments:

At 10:03 PM, Anonymous PAURONG said...

ewan ko ba.. pero parang natakot na akong maging teacher kayo... huhuhu.. di nga. no joke.

 
At 4:09 PM, Anonymous mr. tuesday said...

hehe.. dalawang araw rin akong naging teacher.. di ko po iyon naging pangarap eh.. kahit po teacher ang nanay ko! hehe... sige po.. magbabasa lang..

 
At 7:25 PM, Blogger Japboy said...

ticher!

taga bacoor ako. layo no?
pero sa bukid kami nakatira...
sa piling ng mga baboyramo, sa
ibabaw ng butas-butas na papag.

ang galing niyo namang ticher,
approachable! Pero siguro yung iba para lang makapasa kaya dumadalaw.
Wag niyo nga ipasa hehehe..

Ang pagiging ticher nga naman,
maraming risks, kasi maliit sweldo atsaka palaging puyat sa paggawa lesson plan.

Aha.***

 
At 8:56 AM, Blogger sorrowful said...

no offense, pero ayokong maging teacher, ang hirap kasi, it's indeed a very noble job, pero ako,hindi ko kaya, isipin ko pa lang na gagawa ako ng lesson plan, ang mga estudayante eh nag-iingay at ang principal na may putok eh nahihilo na ako. Pero okay po kayong teacher, approachable, bihira ang ganyan. Sa buong HS life ko, isang teacher lang talaga ako comfortable, kay Gng. O, kilala mo to Japboy. Anyway. Ang layo na comment ko. Paalam.

 
At 5:56 PM, Blogger tin said...

saludo talaga ako sa mga teacher, at nirerespeto ko ng lubusan ang mga teacher na dapat respetuhin. May ibang prof kasi na ginagamit ang kanilang propesyon para lang pagsamantalahan ang mga estudyante. Natutuwa ako at hindi kayo kabilang sa mga teacher na ganun. :)

Sana ipagpatuloy niyo pa. Godbless sa yo at sa mga estudyante mo sir! :)

 
At 10:00 AM, Anonymous cai said...

mahirap nga maging titser at maging close sa mga estudyante..pero nasa iyo pa rin naman kung ano ang nais mo..meron ako titser na naging ka-barkada namin..ok naman makulit siya..minsan nga biro pa niya sa amin..sana naman kapg nasa school andun pa din yung titser-estudyante relationship..kapag sa labas na lang daw ng classroom or school yung pagiging magkabarkada..

san subject ka nga ulit tister?...mahirap nga maging teacher..halos lahat ng relatives ko titser, pati na ang momy ko teacher for 35 years...saludo ako sa teachers..kasi kau ang pangalawa magulang ng mga estudyante..

ingat po...

 
At 9:58 PM, Anonymous rHo said...

ah basta sir, saludo ako sayo! happy new year nga po pala...

 
At 4:12 PM, Anonymous tcher said...

mula sa bahay ni rho, napadpad ako.

...ang trabaho ng ng isang guro ay di maitatangging napaka sensitibo, sabi mo nga, nag-iisip ka kung tama o mali ang mga ginagawa mo. Walang tama sa maling ginagawa at walang mali sa tamang aktibidades. Ikaw lang ang makakasagot ng mga tanong na bumabagabag sa isipan mo.

 

Post a Comment

<< Home