December 01, 2006

Look! Look!



Sem-break at nasa opisina ako ng isa sa mga director sa school na pinagtuturuan ko. Siyempre, dahil sa wala namang pasok, naisipan kong mag-pants at shirt na lang. Taliwas ito sa aking usual attire kung may pasok--black na slacks at polo; o ‘yung ahente look na madalas itawag ng mga estudyante ko lalo at makikitang bitbit ko ang aking “filing bag.”

Palabas na ako ng opisina at isinuot na ang aking cap, nang biglang nagsalita ang aming director:

Director: Naku, ‘pag nakita ka ng mga estudyante, lalo kang tatawaging “Baste.”

Titser Junjun: Po?

Director: Narinig ko kasi minsan nu’ng napadaan ako, tapos pinag-uusapan ka. Baste raw, napaisip tuloy ako. Tapos naalala ko na.

Titser Junjun: Alin po?

Director: Si Mark Herras. ‘Di ba Baste pangalan n’ya sa “I Love New York.”

***

Ang dami kong biglang naalala. Nu’ng college kasi ako, isa sa pinakamadalas na pagkaabalahan naming magkakaklase ay ang tumambay sa mga kubo sa eskwelahan at laitin ang lahat ng makita naming daraan. May tinatawag kaming “mukhang langgam,” “mukhang hayena,” “mukhang bibe,” at kung anu-ano pa.

May prof pa kami na FPJ ang tawag namin, at kung anu-ano pang hindi mabilang na pagbibinyag.

Ngayong titser na ako, isa ‘yan sa alam kong bahagi ng aking papasukin--ang kaharapin ang sari-saring pagbibinyag mula sa mga estudyanteng nagpapalipas ng oras at nababagot sa maghapong diskusyunan sa mga loob ng kwarto.

Masaya ‘to. Nitong bagong sem, “Oyo Boy Sotto” naman ang tawag ng ilang estudyante sa akin. Bukod sa noon pa mang college, usually associated na ako kina Mark Herras at Oyo Boy, pati nga sa tatay ng huli na si Vic Sotto, gusto ko lang malaman ‘yung iba pang tawag sa akin ng mga estudyante--'yung pagbibinyag na medyo nakakayanig sa pandinig--tipong “mukhang kawayan,” “mukhang ginaok,” “mukhang alamang,” o kung anuman.

***

Habang wala pa akong naririnig na associated sa akin na hindi maganda, though hindi naman ikasasakit ng loob ko tawagin man akong “salungo” (sea orchin) o ano pa, mag-aabang na lang muna ako. Malay ko ba kung ‘yang Mark Herras o Oyo Boy Sotto na ‘yan eh kamukha ko lang after tsunami, hurricane Katrina, World Trade Center Attack, o Typhoon Milenyo--gaya ng tawag ng mga kaklase ko sa ilang prof na “mala-Bea Alonzo” raw, “after plane crash” naman pala.”

Basta isa lang ang itinawag sa akin na talaga namang nagpatingin sa akin sa salamin. Sa isang website (forum page), na kontra sa isa sa mga eskwelahang pinanggalingan ko, sinabing mukha raw akong “kabayo.” As in, kabayo, horse! Pagkabasa, pumunta agad ako sa harap ng salamin at hinanapan ang mukha ko na anggulong kabayo. Hehe, nakakatuwa, try n’yo. Feeling ko artista akong inaaway ng mga detractors.

(The pic - Ito ang attire na suot ko when I visited our school director. Iba lang ‘yung cap na gamit ko noon. I was with Shane, sa picture na ‘to.)

6 Comments:

At 6:18 PM, Blogger tin said...

Wow! Ang close nio naman sa mga estudyante nio sir! :) ang cute cute nio naman sa pic na yan, kamuka mo nga si Mark herras. Pag nakita ko kung sino man nagsabi sa inyo ng muka kayong kabayo, nakuuu! Hahahaha! =p Happy Week end sir! May week ends din ba ang mga guro?

 
At 12:08 PM, Blogger titser junjun said...

hi tin, tnx sa comment... part of being a teacher na makilala ang mga estudyante... may limitation pa rin naman sa pag-itan ng titser at mga estudyante. may weekends din naman... kaso, dahil writing ang subject ko ngayon, hindi ako nawawalan ng chinechekan na mga writing activities... :) God bless!

 
At 12:55 PM, Anonymous Nagi said...

Gusto ko rin maging professor. Rewarding ang makakilala at maka-impluwensya ng maganda sa mga estudyante. ^^ ui, link mo ko jun-jun.

 
At 4:09 AM, Blogger rHo said...

sir, hindi ko naman makita yung pix na sinasabi mo eh! di ko tuloy masabi kung kamukha mo ba tlaga si oyo boy o si mark herras!!

hahaha.. ganyang-ganyan din ako nun estudyante pa ako! grabe! minu-murder namin ang bawat professor.. pati na rin nung hayskul! susme! tawanan lang kami ng tawanan... hahaha!

sir, lumipat na pala ako ng bagong bahay ha! paki-update na lang po ng link! tencchuu... see you there..

http://roanne-suyosa.com

 
At 2:25 PM, Anonymous Cai said...

hehe..ganyan din ako nun hayskul..may mga codenames sa bwat teacher at mga kaklase ko. katuwaan lang naman. at hindi panlalait ang ginagawa ko. ginawa ko ng istorya habang dumadaan sila sa hallway. samantala ako nakaupo sa isang batibot at minamasdan sila. haha.. miss those days.

at khit wala man ako sa college, nagagawa ko pa rin naman siya minsan.. kapag nsa mall kami, istambay sa kapihan, yung mga dumadaan. iyon naman ang pinagtri-tripan ko. epekto ng walang magawa.

naaliw lang ako sa pic mo, kasi ur close to ur students. and feeling ko hindi ka strict na teacher. tanong lang po sir, mataas kb magbigay ng grades?...

sige po..ingat po...

 
At 2:42 PM, Blogger titser junjun said...

ah... hehe... hindi ko student si shane... college friend ko siya... :) sa grade, fair akong magbigay... i always explain to my students kung paano nabubuo ang marka nila.

 

Post a Comment

<< Home