December 26, 2006

Potpourri: Merry Christmas

Sa dalawampu’t isang taong inilagi ko sa mundo, sa maniwala kayo at sa hindi, nito na lamang titser na ako ko naranasang dumalo sa isang all-out party. Ibig kong sabihin, ito ‘yung parting magdamagan, na may iba’t ibang tugtog at sayaw--sweet, rakrakan, etc. Nu’ng high school kasi, tinalo pa ang seminaryo at kumbento ng aming paaralang pang-agham; nu’ng college naman, hindi na uso sa amin ang gano’ng party dahil puro banda ang bida. Nga pala, ang parting sinasabi ko ay ‘yung Christmas party ng mga first year college sa school na pinagtuturuan ko. Iyon nga lang, hindi ko magawang makipagbasagan ng ulo sa pag-head bang… bakit? Baka naman tuluyang maglaho ang respeto ng mga estudyante ‘pag nag-helicopter, metal, at kung anu-anong stunt ako.

***

Kung dati-rati, mga Christmas party with my classmates at orgmates ang dinadaluhan ko, ngayon, sa kauna-unahang pagkakataon uli, Christmas party with mga katrabaho ang pinuntahan ko. Gayunman, wala naman masyadong pinagkaiba--kainang umaatikabo, mga laro, regalo, at kasiyahang walang hanggan… amen.

Pagkatapos ng party, namigay ng tig-tu-24,000 pesos sa lahat ng empleyado, titser at personel ng eskwelahan. Ulit, tumataginting na 24,000 pesos sa bawat isang faculty at support member ng paaralan. Ang saya ‘di ba! Hahaha. Ang mas masaya d’yan, dalawa kaming walang 24,000 pesos dahil pareho kaming part-timer. Pero at least, nakikita kong kaya pa ring pasiglahin ng aming paaralan ang morale ng bawat guro at kabahagi nito. Oops! May kaibahan ito sa pagiging mukhang pera… *beautiful eyes (with matching peso sign)*

***

Eto pa ang pamatay, nakatanggap din ako ng regalo mula sa isang klase na tinuruan ko last sem. Oh ‘di ba, titser na titser na! May mga nagreregalo ng mga estudyante. Hehe. Iiisip ko lang, never naman akong na-late sa klase nila, pero alarm clock ang binigay nila sa akin. Naalala ko tuloy ‘yung isang prof ko na tinulungan akong maayos ang OJT ko para sa Industrial Psychology, si Ma’am O, binigyan ko siya noon ng boxer’s... mai-share ko lang sa inyo.

***

Siyempre pa, kailangang i-practice ang pagiging titser at graduate ng psychology kahit sa pamimigay ng regalo. Sa pamimili ng regalong ibibigay, kailangang akma sa mga pangangailangan at katangian ng mga pagbibigyan. Ginamit ko ang Psychosocial Development ni Erik Erikson (naman!) bilang batayan. Sa mga inaanak ko, dahil gusto kong bigyan pa rin sila ng pera, kailangan ay ‘yung tipid na sa bibilhing mga regalo--nasa 15 ang inaanak ko. Dahil halos lahat sila ay mula sa iisang stage of development, pinili ko ang educational material na pangregalo, ang coloring book plus waluhang color. Naalala ko rin kasi na ito ‘yung isa sa mga pinakagusto kong regalong natanggap noong maliit pa ako mula sa ninang ko.

***

Katatapos pa lang ng Pasko. Ibang-iba ito kumpara sa mga nakaraan. Wala na halos akong natatanggap. Nauunawaan ko nang para lang sa mga bata ang Pasko. Sila ang mga pinakamasasaya. Sila ang sumasalo sa mga mga laman ng bulsa ng mga ninong at ninong, nanay at tatay, tito at tita, at kung sinu-sino pang tandem, like lolo at lola, etcetero at etcetera.

Kung dati-rati ay walang kasing tigas ang pagiging bato ko, inilaan kong sadya naman ang buong sweldo ko nitong Disyembre para sa pambili ng regalo at pambigay ng aginaldo. Ang halos isang buwan kong pagiging titser, nasaid sa mga namamasko, inaanak, kaibigan, at kamag-anak. Basyo ang aking bulsa, nasaid ang pera, pero wala akong duda, ang Pasko ay masaya. Liliwanagin ko ang nauna kong pahayag ('yung unang nakahilig na mga letra): Hindi lang ito, ang Pasko, sa kasiyahan ng pagtanggap para sa mga bata, kundi kasiyahan ng pagbibigay para sa matatanda (Oh ‘di ba, para rin akong tumutula).

Samantalang bago pa man ang lahat, nawa’y gaya ko, nakamtan n’yo ang maligayang Paskong hangad.

December 17, 2006

Let’s face it

Isa sa mga namana ko sa aking dating professor noong college, kay Dr. Constantino Ballena (Technical Writing subject), ay ang pagtitipid ng papel. Naks! Masyadong makakalikasan. Noon kasi, si sir ang namimigay sa amin ng mga scratch papers na sinusulatan namin, at pagka-check ni sir at ‘pag revision time na, saka pa lamang kami gagamit ng bagong papel.

Kaugnay nito, sinimulan ko na ang pagtitipon ng mga papel--mga ibinalik na project, mga lumang test paper, etc etc. Talagang tila obsessive-compulsive akong nakabukud-bukod ang long scratch papers, sa short, sa may kulay pang papel; sa pwede pang mapagprintan sa computer, sa pwedeng sulatan na lang ng ballpen; sa may kalahati pang malinis, sa sangkapat pa ang malinis, at sa talagang wala nang pakinabang bukod sa mabebenta sa junk shop--naintindihan n’yo ba ang aking sorting drama? Basta sa madaling sabi, maarte akong magsinop ng scratch papers. Isa ‘yan sa mga patunay na ako’y mula sa Malalayang Sining (ano raw?).
***

Writing ang aking subject ngayong sem, at ipinagpapatuloy ko ang magandang namana sa aking prof na si Dr. Ballena (by the way, sabi ni sir, it’s not the whale ha). Tuwing draft pa lang ang sinusulat, namimigay ako ng scratch. Malaking katipiran ‘yan no! Isipin n’yo kung ilang typewriting o yellow paper ang pasumandaling maliligtas dahil sa mga scratch.

Pero ang pinakagusto kong tumbukin sa sandaling ito ay ang eksenang tumarak sa aking puso (as in! define “tumarak!”) nang sinabi ko na sa aking mga estudyanteng kailangang ipasa na ng naka-computerize ang papel. Patapos na ang klase nang may isang tahimik na lumapit sa akin. Kung pwede raw bang isulat na lang sa malinis na papel ang kanyang final paper. Sa totoo lang, natahimik ako. Masisira ang purpose kung bakit kailangang naka-computer ang papel. Pero tumawad ang estudyante, kung pwede raw bang ako na lamang ang mag-print. Nalulusaw ang puso ko (talagang spell “nalulusaw”)! Pumayag akong ako na ang mag-print. Bukod daw kasi sa magastos, hindi siya marunong mag-print. Sabi ko, ibigay n’ya na lang sa akin ng naka-diskette. Hindi pa man ako tapos magsalita para sabihing kung wala siyang diskette, pahihiramin ko na lang siya ng USB, sinabi naman niyang hindi siya marunong mag-save.

***

Matapos ang klase, tahimik akong napaupo sa aking upuan sa may faculty room. Tamang-tama ang pagkakataon dahil walang ibang titser--makakapagdrama ako ng todo! Todo na ‘to! To the highest level ever! Hehe! Parang eksena sa pelikula na nag-black and white ang tagpo upang bigyang daan ang aking pagbabalik-tanaw sa mga eksena nang nilapitan ako ng estudyante.

Computer-related ang kursong kanyang kinukuha. Hindi siya marunong mag-print at hindi siya marunong mag-save. Talagang baon hanggang kaloob-looban ng aking cardiac muscle ang sinabi n’ya habang kinakausap ako, “Kaya nga po ako nag-aaral, para matuto…”

Ayokong ikulong sa mismong tagpong iyon ang pagsisiyasat. Gusto ko sanang sa pagkakataong ito, makilala natin ang mas malawak na saklaw ng pagkatao ng aking estudyante: ang pamilyang kanyang pinagmulan, at ang pamumuhay na mayroon sila; at ang lipunang kanyang ginagalawan, na natitiyak kong bahagi rin ng ating ginagalawan. Idagdag pa rito ang katotohanang natitiyak ko: hindi nag-iisa ang estudyante kong may ganoong kalagayan.

December 10, 2006

Pa-hits!

Sa mahigit kalahating taon ng aking pagtuturo, nasa humigit-kumulang limang kaso na ng paninigarilyo ng estudyante sa loob ng kwarto ang aking nakatagpo.

Kung ‘yung ibang estudyante, nadadatnan ko sa likod ng pinto o kaya eh sa mga sulok ng kwarto na patagong nagyoyosi, kakaiba ang kauna-unahang pagkakataong may nanigarilyo sa aking klase.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtuturo. Napansin kong may kung anong umuusok sa kinaroroonan ng aking mga estudyante. Take note, hindi isa ang pinanggagalingan ng usok. Lumalakad ang usok (walang paa!). Ibig kong sabihin, hindi iisang lugar ang pinanggagalingan ng usok dahil umuusad pabalik-balik ang nilalabasan nito.

Imposible namang electric wiring dahil walang linya ng kuryente sa upuan ng mga estudyante. Wala rin namang nagsisiga. Basta walang ibang pwedeng panggalingan ng usok maliban sa tangi kong naiisip--may naninigarilyo!

Lumapit ako sa pinanggagalingan ng usok upang matiyak ang aking hinuha (spell “hinuha…” hehe). Walang duda, kitang-kita ng aking mga mata, may naninigarilyo. Bawat hithit, yumuyuko ang estudyante; at bago pa tumunghay muli, ibinubuga na ang usok.

Saan ka pa! Ang matindi d’yan, hindi lang pala isa ang nagsisigarilyo--kaya pala pabugsu-bugsong “multi-directional” na parang sa mga stage show ang usok. Nasa apat o lima ang mga kalalakihang patagong pasa-pasa sa isang yosi--mahina ang planning, “patago effect” pa--hindi na-anticipate na visible ang usok.

Totoo nga, ‘pag may usok, may sigarilyo… este, may apoy!

Titser Junjun: Oh, ibigay na sa titser ang sigarilyo (habang iniabot ko ang aking kanang palad).

Estudyante 1: Oy! Si sir daw pa-hits! Pa-hits!

Estudyante 2-5: Si sir! Si sir naman…

Iniabot sa akin ng mga estudyante ang sigarilyo. Pagkakuha, nagpaalam ako sa kanilang itatapon ko muna ang sigarilyo nila. Mamaya na lang ‘ka ko sila magsigarilyo pagkatapos ng klase. Nang pumayag na, itinapon ko sa bintana ang sigarilyo, sa parteng tiyak na wala nang makakakuha pa (lagot… nagtatapon sa bintana!).

Tuloy ang klase.

***

Naalala ko nu’ng college ako. Third year nang marating ko ang rurok ng aking “yosi career.” Ito ‘yung para akong asong naglalaway sandaling ‘di malapatan ng sigarilyo ang aking mga bibig. Kinukulit ko pa ang titser namin sa Physiological Psychology na agahan ang pagpapalabas sa amin dahil talagang naglalaway na ako sa sigarilyo. Ang gagawin n’ya, bibigyan n’ya lang ako ng candy at isisingit sandali ang mga posibleng efekto ng sigarilyo sa katawan.

Kaya kong literal na walang puknat ang paninigarilyo sa loob ng walong oras. Hindi ko rin maiwasan ang magyosi paglalabas ko sa assigned pavilion ko ng mag-training kami sa National Center for Mental Health o ‘yung kilala ng ilan bilang “mental hospital” sa Mandaluyong--makikita mo ang ilang pasyenteng puno ng sakit sa balat, hindi makagalaw at nakasalampak sa isang sulok dahil sa kumikinang, I mean, namumulang almuranas; maaamoy mo ang amoy na indigenous sa kanila--hindi mo maaamoy magpunta ka man ng Europa, Amerika o Antartika (as if nakapunta na…)

Ang gusto ko lang palabasin--manghula naman muna kayo kung anong aking palalabasin! 1… 2… 3… Sige, umusad na sa pagbasa at tingnan kung tama ang inyong hula.

Sabi nga ng aking Ethics professor: “Matapos ang mental ejaculation, narito ang isang resulta ng ating intellectual orgasm…”

Nang simulan ko ang pagtuturo nitong June, kinailangan ko ang expository bilang pangunahing pamamamaraan sa pagtuturo. Ito ang natatanging angkop na pamamaraan dala ng maraming faktor--isa na ang limitadong oras bunga halimbawa nina Caloy, Florita, Glenda at Milenyo--mga bagyong bumisita sa atin. Ibig sabihin, kalimitan, sa lahat ng klase ay ako ang nagsasalita. Matindi ang efekto nito sa aking paringhe, laringhe at babagtingan ng tinig (pharynx, larynx, vocal cord). Kaya naman, isa ito sa mga pangunahing dahilan, nagdesisyon akong ihinto ang paninigarilyo.

Sa kasalukuyan, halos anim na buwan na akong tigil sa pagsisigarilyo. Sa tabi ko ngayon ay ang kaha ng sigarilyo ng mommy ko. Para patunayang naglaho na ang pugon sa bibig ko, sinubukan kong kumuha ng isang stick at inilapat sa aking bibig. Tunay nga! Goodbye yosi na ako…

Excess:

Galing akong Mercury drugstore kagabi at habang naghihintay sa counter para sa aking binibiling gamot. Kumuha ako ng isang naka-display na brochure mula sa Phzer at Mercury Drug. Ito ang “Nicorette: Beat the Smoking Habit.” Narito ang ilang nilalaman ng brochure:

What’s in a cigarette anyway?

There are over 4000 compounds in cigarette smoke that can cause cancer ang other diseases. Below are a few of them:

Carbon Monoxide (also found in Vehicle Exhaust Fumes), Napthalene (also found in Mothballs), Arsenic (also found in Ant Poison), Cadmium (also found in Car Batteries), Phenol (also found in Toilet Cleaner), DDT (also found in Insecticides), and Ammonia (also found in Fertilizer).

The health benefits of stopping smoking

20 minutes: Blood pressure and pulse return to normal.

8 hours: Carbon monoxide levels in the blood are halved, oxygen levels in the blood return to normal.

24 hours: Carbon monoxide is eliminated from the body and the lungs start to clear out the build up of tar.

48 hours: Taste and smell are greatly improved.

72 hours: Breathing becomes easier, bronchial tubes begin to relax, energy levels increase.

2-12 weeks: Circulation improves, making walking and running a lot easier.

3-9 months: Coughs, wheezing and breathing problems improve as the lungs have room for up to 10% more oxygen.

5 years: Risk of heart attack is halved.

10 years: Risk of lung cancer is halved.

***

Kumuha ako ng isang brochure, ipababasa ko mamaya sa mommy ko.

December 01, 2006

Look! Look!



Sem-break at nasa opisina ako ng isa sa mga director sa school na pinagtuturuan ko. Siyempre, dahil sa wala namang pasok, naisipan kong mag-pants at shirt na lang. Taliwas ito sa aking usual attire kung may pasok--black na slacks at polo; o ‘yung ahente look na madalas itawag ng mga estudyante ko lalo at makikitang bitbit ko ang aking “filing bag.”

Palabas na ako ng opisina at isinuot na ang aking cap, nang biglang nagsalita ang aming director:

Director: Naku, ‘pag nakita ka ng mga estudyante, lalo kang tatawaging “Baste.”

Titser Junjun: Po?

Director: Narinig ko kasi minsan nu’ng napadaan ako, tapos pinag-uusapan ka. Baste raw, napaisip tuloy ako. Tapos naalala ko na.

Titser Junjun: Alin po?

Director: Si Mark Herras. ‘Di ba Baste pangalan n’ya sa “I Love New York.”

***

Ang dami kong biglang naalala. Nu’ng college kasi ako, isa sa pinakamadalas na pagkaabalahan naming magkakaklase ay ang tumambay sa mga kubo sa eskwelahan at laitin ang lahat ng makita naming daraan. May tinatawag kaming “mukhang langgam,” “mukhang hayena,” “mukhang bibe,” at kung anu-ano pa.

May prof pa kami na FPJ ang tawag namin, at kung anu-ano pang hindi mabilang na pagbibinyag.

Ngayong titser na ako, isa ‘yan sa alam kong bahagi ng aking papasukin--ang kaharapin ang sari-saring pagbibinyag mula sa mga estudyanteng nagpapalipas ng oras at nababagot sa maghapong diskusyunan sa mga loob ng kwarto.

Masaya ‘to. Nitong bagong sem, “Oyo Boy Sotto” naman ang tawag ng ilang estudyante sa akin. Bukod sa noon pa mang college, usually associated na ako kina Mark Herras at Oyo Boy, pati nga sa tatay ng huli na si Vic Sotto, gusto ko lang malaman ‘yung iba pang tawag sa akin ng mga estudyante--'yung pagbibinyag na medyo nakakayanig sa pandinig--tipong “mukhang kawayan,” “mukhang ginaok,” “mukhang alamang,” o kung anuman.

***

Habang wala pa akong naririnig na associated sa akin na hindi maganda, though hindi naman ikasasakit ng loob ko tawagin man akong “salungo” (sea orchin) o ano pa, mag-aabang na lang muna ako. Malay ko ba kung ‘yang Mark Herras o Oyo Boy Sotto na ‘yan eh kamukha ko lang after tsunami, hurricane Katrina, World Trade Center Attack, o Typhoon Milenyo--gaya ng tawag ng mga kaklase ko sa ilang prof na “mala-Bea Alonzo” raw, “after plane crash” naman pala.”

Basta isa lang ang itinawag sa akin na talaga namang nagpatingin sa akin sa salamin. Sa isang website (forum page), na kontra sa isa sa mga eskwelahang pinanggalingan ko, sinabing mukha raw akong “kabayo.” As in, kabayo, horse! Pagkabasa, pumunta agad ako sa harap ng salamin at hinanapan ang mukha ko na anggulong kabayo. Hehe, nakakatuwa, try n’yo. Feeling ko artista akong inaaway ng mga detractors.

(The pic - Ito ang attire na suot ko when I visited our school director. Iba lang ‘yung cap na gamit ko noon. I was with Shane, sa picture na ‘to.)