November 08, 2006

Sino si Titser Junjun?

Titser Jun-jun: Mala-Jose Rizal ang drama sa una kong titser, ang mommy ko. Wala akong maalalang gamu-gamo noong mga panahong 'yon, garapata lang yata ng aso. "Garapata, masusunog ka! Waaahhh!!!" Salamat sa DSWD para sa aking Day Care, at sa mababang paaralang sentral ng aking pinakamamahal na bayan ng Naic, Cavite para sa aking kindergarten at buong elementarya. Naranasan kong maging tagalista ng maingay, tagasulat sa klas record, tagasulat ng walang katapusang lektyur sa blakbord, at kung anu-ano pang sulat--kaya yata eto't sumusulat pa rin ako. Nga pala, naranasan ko ring maging tagahatid ng apo ng titser--araw-araw 'yan; at tagagawa at tagatinda ng sandwich business ng ilang titser, at isa sa mga tagabili rin ng pagkaing ako rin ang naghanda! "Hoy maling! Maling! Maling kayo d'yan!" At sa wakas, nagsawa ako sa Maling.

Medyo inggit lang ako sa ilan kong kaklase noon kasi hindi ako naging tagabunot ng puting buhok ng titser, tagapag-uwi ng mga bag nila, tagahugas ng pinagkainan, o tagamasahe ng katawan. Pero hindi ko kinainggitan 'yung mga kaklase kong sinampal ng alpombra sa mukha, hinubuan sa unahan, hinila ang patilya, pinandilatan ng mala-tarsier na mata, niratrat ng armalite na bunganga ni ma'am, at kung anu-ano pa. Tama na 'yung umiyak ako nu'ng Grade 3, at pinalo ng stick sa kamay nu'ng grade 4 (SLN ang kaluluwa ng aking guro).

Aba, ayan, kung kelan nag-high school, saka ako napalabas ng kwarto, hindi pinapasok sa kwarto, at mabuti't hindi naman naikulong sa kwarto. Naging manghuhula rin ako ng ilang titser, napasali sa mga awayan ng ilang guro, at kung 'di man madalas, ay minsan-minsang nagiging paksa ng tsismisan sa fakulti.

Nasanay naman na ako sa parang agos ng mga instraktor at profesor nitong college, sa seme-semestreng pagpapalit-palit. Dalawa ang naging tinik sa aking lalamunan; at ang paborito naming sabihin sa madre naming titser, "Sister, masamang magsinungaling! Sabi mo madali ang exam, napakahirap!!!"

Nang matapos ang kurso sa pag-aaral sa ugali at kilos ng tao, may kung anong matinding tawag ng laman, este, tawag sa pagtuturo akong naramdaman. Agad kong tinapos ang mga kailangang unit sa pagtuturo sa loob ng summer dahil tiyak ako, gusto kong magturo (ulitin ang pagbasa sa madramang tono: "dahil tiyak ako, gusto kong magturo…"). Binasa n'yo ba uli? Kita n'yo na, titser na titser na 'ko. Ngayon naman, basahing muli ang nasabing linya hanggang maisaulo… Hehe…

Hunyo sa muling pagbubukas ng paaralan matapos ang graduation sa college at isang summer, nagbalik ako sa mga paaralan hindi bilang estudyante kundi bilang part time faculty. Wala pang post-graduate degree o eligibility kaya part timer muna tayo; at, college instructor ang pinagpilitan kong pasukan. Sa awa ng Diyos, mala-kalabaw at lagari akong kumayod sa dalawang malapit na kolehiyo at pamantasan. Mabaliw-baliw ako sa pagtuturo ng 1) Zoology 2) Biological Science 3) General Psychology 4) Afro-Asian Literature 5) Afro-Asian Literature 6) Introduction to Behavioral Science.

Dagdag lang, Professional Teacher na rin daw po ang inyong lingkod sang-ayon sa PRC, at hindi ko alam kung magagamit ko pa ba bilang titser sa sekundarya ang aking lisensya, o dekorasyon na lang ‘yun sa wallet ko. Nananalangin akong makapagturo sa high school, kahit hindi 'yung major kong huwag n'yong ikabibigla, "Values Education." Sa'n ka pa! "Class, don't say bad words! Pakshet masama 'yon!"

Para naman maging patas at baka sabihin n'yo ay nagbubuhat ako ng bangko, narito ang sinabi ng aking ilang estudyante sa isang evaluation na pinagawa ko sa kanila.

Belle:
"Laging naka-polo… na parang isang piloto."

Rea:
"…Matangkad, payat, maputi, at gwapong lalake. Noong una ay inakala kong isa syang ahente ng kung ano… (ang mga) mata nyang may kalakihan at (may) makakapal na kilay…"

Shiela:
"Si sir ay hindi kapogian, katamtaman lang…"

Mary:
"Ang DALDAL NIYA!!!"

Aiza:
"Mala-artista pa ang titser namin."

Jeff:
"Conscious sa kanyang katawan.. maarte nga… at siya ay eleganteng kumilos na parang dugong bughaw."

***

Ayan, talagang kitang-kita n'yo na ang aking pagiging titser batay sa mga inilahad kong evalwasyon. Ilan lamang 'yan mula sa halos 200 kong estudyante. Basta pasuk-pasok lang kayo rito sa blog ko 'pag vacant kayo, para sa mga lesson na ilalahad ko. Okay? Marami ‘yan, nasa lesson plan at silabus ko. Ang absent, hindi makaka-graduate!!!

3 Comments:

At 4:06 PM, Anonymous Anonymous said...

hi to all bloggers!! this is not a spam.. this is the same msg sent to all cool pinoy bloggers out there. our site to discuss our blogs and advertise your blog is www.pilipinas.co.nr marami na pong sumali. Salamat po.

 
At 7:09 PM, Anonymous titser junjun said...

okay po... puntahan ko po 'yung site...

 
At 12:50 PM, Anonymous Jepoyguapo said...

hayyyyyy.... tapos n ang brek koh.. kea eto pasimple akong ngtatypt ng comment ko para kay ser jun jun... (as they call him? tama b ang grammar?) well well sayang at ngeon kolng nadiscover ang blog n ito.. hmmmm sa dami dami ng nabasa kong mga blog eh dito lng ako ng enjoy hmmm hhmmmmhmm hmm hhmmm hmmmm (habang ngttypt ako eh kinakanta ko ung lupang hinirang version ni christian bautista na nkita kong nksando last week!!!!! yum yum!!!)
welll ser... hanga ako sa pgsulat mu ngenjoy ako sa mga patutsada mu sa pgsulat... illustrator nga pla ako ng isang publishing company kung my libro kang gagawing irereto kita sa mga kakilala ko welll welll gsuto ko ako din mgdodrawing ng book mu huh.. gusto ko din mgkablogggg kaso hindi ako marunong gumawa ng webpage... hmmmm (wala kasing ganito sa ilalim ng dagat) sir taga cavite din k pla.. ako din taga dasma ako... if u want u can email me jepuy19_guapo@yahoo.com or guapokotalaga@yahoo.com (warning wag magtiwala sa nabasa ito'y pangarap ko lamang...

again hanaga ako sa mga sulat mu or i must say "likha"

sana mag-update k nmn ala p bng latest? omg!!! ang haba n ng sulat ko(kamay nsa bibig) hanggang dito n lng

astig k ser!!!!! saan k ngtuturo ng pla? jepoyguapo

 

Post a Comment

<< Home