November 11, 2006

Balot? Penoy? Pugo!

Noong unang semestre ng aking pagtuturo, napansin kong konsistent, walang dudang nabubuhay ang dugo ng mga estudyante kapag may kinalaman na sa sex ang usapan. Walang sablay ‘yan. Mapa-Behavioral Science man, Literatures, o Biological Science. Dahil hindi ko na kayang katagpuin pa si Sigmund Freud, si Margarita Holmes man lang sana ay makausap ko.

Hinding-hindi ko malimutan ang isang tagpo nang nasa Human Reproductive System kami. Sa kalagitnaan ng usapan, itinanong ng estudyante kong may asawa na, “Sir, bakit ‘yung bayag ng asawa ko hindi pantay?”

Hindi pa man ako nakasasalita, sumabat naman ang isa pang may asawa na rin, “Naman!!! Sa asawa ko hindi…”

Sumagot ang isang bakla sa klase patungkol sa ikalawang kaklaseng nagsalita, “Baka hindi mo lang napapansin… hindi nga raw talaga pantay ‘yon!”

Nagsimulang mabuo ang isang debate kung pantay nga ba ang dalawang bayag ng lalaki o hindi. May ilang saglit akong tumahimik: una, hindi ko alam ang isasagot dahil hindi ko talaga nasusuring mabuti ang mga itlog ko kahit naririnig ko na ang tungkol sa nasabing isyu; at pangalawa, gusto kong marinig ang mga sinasabi ng aking mga estudyante.

Patuloy ang diskusyunan ng aking mga estudyante. Pilit kong inaalala ang itsura ng bayag ko para malaman kung pantay nga ba o hindi. Kailangan ko na kasing magsalita. Hindi naman pwedeng saka pa lang kumambyo at salatin kung ano ba talaga. Buweno, ito ang isa sa mga tanong na kailanman ay hindi ko pa nababasa sa mga nabasa kong libro--bagaman tiyak na may siyentifikong kapaliwanagan kung totoo man--at ang mga ganitong sitwasyon ang madalas pagdebatihan naman ng mga titser kung papaano ba kahaharapin.

Pero ano pa nga bang sasabihin ko? Wala talaga akong konkretong maisasagot tungkol sa maagham na paliwanag tungkol dito. Napalampas ko man ang isang pagkakataong nasagot sana ang isang matinding katanungan, nagkaroon naman ng pagkakataon upang mabungkal ang ilang bagay sa klase. Wala man kaming librong makitaan tungkol sa usaping pinagtatalunan, nawa’y naging hudyat ito na sa hinaharap, mahanap din namin ang tamang kasagutan, at akmang paliwanag.

Samantala, naalala ko tuloy ang bespren kong babae sa college. Tinanong n’ya minsan kung may buhok ba ang ulo ng titi. Ito ang siyento porsiyentong walang duda at gatol kong nasagot, “Bespren, walang buhok ang ulo ng titi.”

5 Comments:

At 8:44 PM, Blogger abidubi said...

salamat po sa pagdaan sa blog ko.. ^_^ nakakatuwa nmn ang mga post mo.. hehe.. :P

hanep ang tanong ng bespren mo ah..hahaha

 
At 11:17 PM, Blogger rolly said...

Salamat din sa dalaw sa blog ko.

May sagot ako dyan sa tanong mo tungkol sa bayag.

Nung unang panahon, wala pa talgang bayag ang mga lalaki. Minsan, kasama ni Hesus ang apostoles nya. Inutusan niya ang mga ito na magdala ng dalawang bato. Dahil magulang si Hudas at alam niyang malayo pa ang kanilang lalakbayin, dalawang maliliit na bato lang ang kinuha niya. Nang makalipas ang maraming oras, gutum na gutom na sila kaya't naisipan nilang magpahinga. Kagyat, iniutos ni Hesus na ilabas ang mga batong dala-dala nila. Yun ay ginawa nitong tinapay. Nabusog naman ang mga apostoles bukod tangi kay Hudas.

Nang sila ay umalis, nagsabi ulit si Hesus na kumuha ulit ng dalawang bato. Dahil iniisip na Hudas na gagawin uling tinapay ang mga ito, nagdala siya ng dalawang ubod ng lalaking bato. Makalipas ulit ang maraming oras, nagpahinga sila ulit. Tuwang tuwa si Hudas. Ang kaso, dahil puro busog ang kasama niya, napagkayarian na lang na palayuan ng pagbato. Ang mananalo ay garantisadong sisikat at siguradong pupunta sa langit. Siyempre talo si Hudas.

NAng umalis na ulit sila, pinakuha na naman sila ng bato. Dahil tuso talaga itong si Hudas, nagdala ng isang maliit at isang malaki. O itutuloy ko pa ba? :-)

 
At 2:42 PM, Blogger titser junjun said...

@manic psycho: hehe... salamat sa visit.

@rolly: bakit nga ba hindi ko naalala 'yang kwentong 'yan ni hudas. hehe... nyway, thanks po sa visit at comment.

 
At 11:04 PM, Blogger Junnie said...

chang inang Hudas yan...siya pala ang may kagagawan ng palagi kong tanong sa harap ng salamin...

 
At 8:32 PM, Blogger titser junjun said...

@junnie: lol!

 

Post a Comment

<< Home